Diliman Experience

Putangina. Putangina talaga. At isa pang putangina. Pangalawang araw ko ng nagaayos ng requirements para sa enrollment ng summer class sa diliman. Porket ba cross registrants kami ginaganon nila kami?

Day 1: Nagpunta kaming OUR para magpapirma, sabi samin kelangan daw namin ng medical certificate para makaenroll. Punta daw kaming Health Service, dun daw namin kunin. As usual, may pila. Edi pumila, tapos may kumausap saming upperclass, kelangan daw namin ng xray kasi bagong protocol daw yun. Sobrang nakakabwisit kasi andami naming gagawin, xray, dental, at physical exam. The day ended na walang kaming natapos.

Day 2: Ang aga ko gumising para maaga kami sa pila. 7:30 andun na kami ng friend ko. Punta ulit ng Health Service tapos pila na naman. 10 na lang daw tatawaging pangalan, pag di natawag hapon na daw yun maaasikaso, eh 9:00 pa lang nun. Like wth. Buti na lang natawag kami. Physical exam naman, alam ko ng huhubaran kami. Pero hindi ko alam na ganun yung mangyayari samin. PUTANGINA KASI DAHIL KULANG DAW YUNG DOCTOR AND PARA DAW MABILIS, MAGHUBAD NA DAW KAMI SABAY SABAY. GRABE TEN KAMI DUN SA ROOM, THO PURO KAMI BABAE NAKAKAHIYA PA DIN. I FEEL SO HARASSED. After ng kahiya hiyang pagbobold sa harap ng madaming tao, nakakuha din kami ng med cert.
And then, dahil nga cross registrants kami wala na kaming slots. TP na lang pagasa namin. Eh kailangan talaga namin ng Math 100 so nakiusap kami. Pero sabi sa admin, wala na daw talaga. Puno na daw lahat ng sections. Ang pagasa na lang talaga namin kapag may nagcancel na student na nagpaenlist. Earlier daw may nagcancel, ang ginawa ng prof niraffle yung slot. Nung nagresume after lunch, naghintay kami dun baka sakaling may magcancel. Fortunately, may nagcancel. Anim kaming nagaabang dun sa Math 100 kaya niraffle yung slot. Ang game, matirang id sa kamay nung prof sa kanya yung slot. Dalawa na lang yung id na hawak nya. And that time kausap ko friend ko sa phone, “Putangina. Grabe wala na kaming pagasa makakuha ng Math. Osige na, babye.” Tapos sabi nung prof, “At ang nagwagi ay si.. Julie Anne Doria” And I was like, “Putanginaaaaa! Para kong nanalo sa lotto!” Nagtatalon ako dun sa avr. Tinawagan ko right away yung friend ko, “Putangina Sabel ako yung nabunot. Omg.” So ayun, ako nga ang nagwagi.
Tapos balik na ko sa OUR for validation and everything. Kumuha akong number, #186 ako. Ang tinatawag that time 124. Ang saya kasi medyo malapit lang yun. Tapos yun pala may AM at PM na numbers. AM pala yung 124 and hanggang 300 pa pala yun. So in reality, pang 486 pala talaga ko. Alas kwatro na nun kaya alam kong wala na kong pagasa matapos magenrol.
Ending? Di pa ko officially enrolled pero papasok na ko bukas. Hahaha. Bukas ko na din tatapusin lahat ng steps na dapat gawin.

Sana nagenrol na lang ako sa Baguio. Di ko na uulitin to. Di na ko magsusummer sa diliman.

Bec I dont know how to download a photo on insta


Wrong timings


I havent

I am pretty sure I am too large to be missed.

(Source: ismymind)

(Source: seprate)

UPCAT Results

I didn’t wish for it. I didn’t even imagined myself being an Iskolar ng Bayan. Its just that God gives you things you didn’t wish for or He gives you more than you are asking for.

Enough with the throwback. Last year pa kasi ako pumasa. Nakaiyak na nakakatawang ewan yung feeling.
Wala lang, ang aga kasi lumabas ng results ngayon. February ata lumabas yung amin nuon. Di na nila inulit yung essay shit kaya siguro madali silang nakapag check ng papers.

Congratulations sa mga bagong iskolar ng bayan! Ang cute ng student number niyo 2014-xxxxx


MATH: We know drama.

(Source: iwantcupcakes)